Barkada: Ka-team mo sa Laro ng Buhay

October 15, 2009 at 12:46 pm (Uncategorized) ()

Tapos na ang unang yugto ng laban ng buhay. Marami sa atin ang nanalo, may natalo din at ang ilan; tagilid. Sa labang tinutukoy ko, marami ang naghirap. Hinarap ang bawat gusot, balakid, at hirap. Kinaya ang lahat ng pagsubok na dumating.

Dito nabuo ang smahang hindi inaasahan. Bawat player ay may kanya-kanyang talento. Kung sa basketball, may guard, forward, at center; sa team na ito iba: may matalino, tahimik, simple, kalog, takot sa bf, talentado at ‘yung iba tarantado.

What I mean is puro kalokohan. Iba-iba man katangian, samahan nama’y hindi mapapantayan. Nagtutulungan ang bawat isa, teamwork ika nga. Malamang nga maging motto nila, “Di ko kailangang mangamba, andiyan siya!” Ayos no? Minsan kasi sa isa lang umaasa. Sa isang laban may time-out o break; sama-sama, isang lugar ang tutunguhan, patak-patak para gutom ay mapunan. ‘Yang grupong ito, hindi ko malaman kung anong ugaling meron. Time-ups na para sa break ayaw paring bumalik sa court. Kaya napapagalitan ng coach eh. Sa kanila, balewala ang galit ni Coach. Alam kasi nila ang kanilang ginagawa. Kaya ‘pag nakakuha ng tiyempo, ayon! Kanya-kanyang drama kay Coach. Sa isang team, hindi sa lahat ng oras ay masaya. Dumarating din ang time ng di-pagkakaunawaan. Tampuhang walang mulat, isnabang walang humpay, magkasalubungan ma’y parang wala lang. Pero sa isang samahan, walang gusot ang hindi kayang ayusin. Sa huli, mananaig pa rin ang pagkakaibigan—pagkakaibigang di mawawasak ninuman o ano pa man.

Nandiyan lagi ang barkada sa bawat hamon ng buhay. Sila ang iyong ka-team sa pagsuong sa magulong laro ng buhay.

Advertisements

Permalink Leave a Comment

CHESS MASTER

September 11, 2009 at 9:47 am (Uncategorized) ()

Marami sa atin ang adik ngayon sa mga computer game.Malaking saya sa kanila ang naidudulot nito.Hindi na iniisip ang hirap ng kanilang mga magulang mapunan lang ang kasiyahan.Hingi ng baon,akala ni ina,sa skul ang tuloy,mali pala,bagkus sa barkada ang punta.Magising ka kaibigan,hindi lang yan ang paraan.Masasabing ang sports ang isa sa nagbibigay sa atin ng kasiyahan.Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang talento.Ang ilan sa atin magaling sa basketbol,yung iba sa volleyball mahusay at yung iba sa badminton naman.Sa tuwing makakakita ako ng mga naglalaro,inggit na inggit ako.Iniisip ko,bakit sila kaya yun,ako kaya,ano ba ang kaya ko?Saan ako magaling?May kaya ba akong gawin?Second year high school ako ng yayain ako ng kaklase kong mag-chess..Ang iba sa atin kalimitan ang isinasagot “ayoko,di ako marunong nyan eh”,yung iba iisipin pang matalino lang daw yun..Bakit kaya ganun tayo?Hindi pa natin nasusubukan umaayaw na tayo.Kaya ako sa sobrang kayabangan,pinatulan ko.Hindi ko man kaya pero sinubukan ko.Gusto kong patunayan sa sarili ko na mayron din akong alam,kaya lang sa kasamaang palad,sablay,natalo ako.Pero mayron akong natutunan,ang huwag sumuko.Simula nuon naingganyo ako sa larong chess,hanggang sa matuto ako.Nalaman ko din na ang larong ito ay maikukumpara sa buhay ng isang tao.Sa larong ito kailangan mong igalaw ang bawat piyesa at kailangang tama kung saan mo ito ibababa.Tulad natin kailangang tamang direksyon ang dapat nating piliin.Sa larong ito mahalaga din ang oras,oras na hindi dapat sayangin.At sa bawat laban,may nananalo at mayron ding natatalo.Sa bawat pagkatalo hindi kailangang sumuko

Permalink Leave a Comment