enjoy pala?!

October 15, 2009 at 1:58 am (Uncategorized)

Nung una talaga ay wala akong hilig sa sports. As in wala talaga. ‘Di kasi ako mahilig lumabas ng bahay gaya pa rin ng dati. ‘Di rin ako masyadong lumalapit sa maraming tao, ‘di ako sanay eh. Ganun naman yata talaga ako weh. Pero sa t’wing nakakapanuod ako ng naglalaro sa t.v o kahit sa mga nadadaanan lang ay natutuwa ako. Galing kasi eh. Daming taong natutuwa at nakikita kong nag-eenjoy sila. Kaya ngayon, t’wing may nag-aaya sa akin na magtry ng sports ay sumasama na ako. Kahit luma o bago bagong sports pa yon basta kasama naman ang mga kaibigan ay tyak na masaya naman. Kahit ‘di ko alam kung paano laruin, go pa rin! Tinuturuan naman nila ko eh. Masaya pala?! Kahit nasasaktan ako minsan, sa tama ng bola o kaya ay nabubunggo ng iba, ok pa rin. Kasama yun sa lao eh. Ayon, naranasan ko rin ang sports. Naalala ko eh, naglaro kami ng maraming sports na noon pa nauso. Isa na roon ang more game, pero alam ko morigin yun eh, basta un! Natatawa ko sa sarili ko, kasi buong laro ay nasa base lang ako. ‘Di manlang ako nakatakbo. ‘Di ko kasi alam kung paano yun weh, eh busy naman sila kakatakbo at kakalaro, ‘di nila ako naturuan masyado, bantay na lang ako. Pero kahit ganun, nasaktan pa rin ako kasi nabunggo ako ni Miko na nabunggo naman ni ate, masakit ah! Ay, nag-enjoy pa rin naman ako kakacheer sa kanila, ang saya! Marami pa eh, iba naman ang nagparticipate. Patintero, luksong-baka, touch ball, luksong-tinik at limbo, un! ako ang sinali nila dun. ang galing lang,kasi napa-panalo ko ang group namin dun. Kala ko ‘di ko na makakaya eh, galing nun kalaban. Pero tie lang naman kami. Nakaka-enjoy talaga ang sports! Luma man o hindi. Sana kayo rin na makaka-basa nito, ay maingganya na maglaro ng sports! enjoy! ;D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: