Barkada: Ka-team mo sa Laro ng Buhay
Tapos na ang unang yugto ng laban ng buhay. Marami sa atin ang nanalo, may natalo din at ang ilan; tagilid. Sa labang tinutukoy ko, marami ang naghirap. Hinarap ang bawat gusot, balakid, at hirap. Kinaya ang lahat ng pagsubok na dumating.
Dito nabuo ang smahang hindi inaasahan. Bawat player ay may kanya-kanyang talento. Kung sa basketball, may guard, forward, at center; sa team na ito iba: may matalino, tahimik, simple, kalog, takot sa bf, talentado at ‘yung iba tarantado.
What I mean is puro kalokohan. Iba-iba man katangian, samahan nama’y hindi mapapantayan. Nagtutulungan ang bawat isa, teamwork ika nga. Malamang nga maging motto nila, “Di ko kailangang mangamba, andiyan siya!” Ayos no? Minsan kasi sa isa lang umaasa. Sa isang laban may time-out o break; sama-sama, isang lugar ang tutunguhan, patak-patak para gutom ay mapunan. ‘Yang grupong ito, hindi ko malaman kung anong ugaling meron. Time-ups na para sa break ayaw paring bumalik sa court. Kaya napapagalitan ng coach eh. Sa kanila, balewala ang galit ni Coach. Alam kasi nila ang kanilang ginagawa. Kaya ‘pag nakakuha ng tiyempo, ayon! Kanya-kanyang drama kay Coach. Sa isang team, hindi sa lahat ng oras ay masaya. Dumarating din ang time ng di-pagkakaunawaan. Tampuhang walang mulat, isnabang walang humpay, magkasalubungan ma’y parang wala lang. Pero sa isang samahan, walang gusot ang hindi kayang ayusin. Sa huli, mananaig pa rin ang pagkakaibigan—pagkakaibigang di mawawasak ninuman o ano pa man.
Nandiyan lagi ang barkada sa bawat hamon ng buhay. Sila ang iyong ka-team sa pagsuong sa magulong laro ng buhay.
Leave a Reply