BASKETBALL (2ND ENTRY)

October 13, 2009 at 9:33 am (Uncategorized) ()

Sa patuloy na paggulong ng aking buhay, patuloy ang aking pagkahilig sa larong ito. Kaso lang, hindi parin gaanong improve ang aking paglalaro. Noong pumapasok na ko sa Unibersidad ng Bulacan pinili ko ang P.E. ko na larong Basketball, sinabi ko noon sa aking sarili na isa itong oportunidad upang mapaghusayan ko pa ang aking mga taktika at maipakita ang aking katangian sa paglalaro. Malaki ang tiwala ko sa aking sarili na magaling na akong maglaro ng Basketball, subalit yung ang aking pagkakamali dahil madami pa palang mas magaling kaysa sa akin. Ang sobrang taas ng tingin ko sa aking sarili ay ang naging dahilan upang kami ay matalo, inakala ko na sobrang galing ko na at hindi ko pinagpatuloy ang aking mga pagsasanay. Ang aking pagkatalo na iyon ang muling gumising sa aking isipan upang magbalik sa pagsasanay, naisip-isip ko na mapagiiwan pa ako lalo ng aking mga kaeskwela kung hindi ako magbabalik sa pagsasanay. Tuwing papasok ako sa aking Subject na P.E. aking tinatatak sa aking isipan na mas gagalingan ko pa sa susunod at mas pag-iigihan ko pa, walang taktika ako na pinalalampas sa lahat ng tinuturo ng aming Teacher. Sa bawat taktika na kanyang itinuturo mapa Opensa o Depensa man akin itong pinagaaralang mabuti at tinatandaan, ang lahat ng aking mga natututunan sa kanya ay madalas kong ulit-ulitin sa bahay upang mas lalo ko pa itong mapractice. Tuwing may libre akong oras pumupunta ako ng Basketball Court upang magpractice, sinusubukan kong i-improve ang aking shooting at bilis ng galaw ng katawan, kinakailangan ko rin ma-improve ang aking stamina upang tumagal ako sa laro. Sa mga naging experience ko sa paglalaro ng Basketball, paunti-unti kong nadarama na mayroon kaunting improvements na nangyayari sa aking paglalaro. Sa maigsing panahon na ako ay nagaaral ng Basketball, malaki ang nadagdag sa aking mga kaalaman at mga taktika, ito ay malaking pasasalamat sa aking Guro sa P.E. dahil madami din akong natutunan na nagmula sa kanya. Ang mga bagay na aking natutunan sa panahon na akoy nagaaral pa ay, hindi mo dapat husgahan at maliitin ang iyong mga nakakaharap sa paglalaro maliit man ito o ang tingin mo ay walang kakayahan, masusubok at makikita lamang ang kakayahan ng isang manlalaro kung ito ay iyong makakaharap sa laro.

%d bloggers like this: