Barkada: Ka-team mo sa Laro ng Buhay

October 15, 2009 at 12:46 pm (Uncategorized) ()

Tapos na ang unang yugto ng laban ng buhay. Marami sa atin ang nanalo, may natalo din at ang ilan; tagilid. Sa labang tinutukoy ko, marami ang naghirap. Hinarap ang bawat gusot, balakid, at hirap. Kinaya ang lahat ng pagsubok na dumating.

Dito nabuo ang smahang hindi inaasahan. Bawat player ay may kanya-kanyang talento. Kung sa basketball, may guard, forward, at center; sa team na ito iba: may matalino, tahimik, simple, kalog, takot sa bf, talentado at ‘yung iba tarantado.

What I mean is puro kalokohan. Iba-iba man katangian, samahan nama’y hindi mapapantayan. Nagtutulungan ang bawat isa, teamwork ika nga. Malamang nga maging motto nila, “Di ko kailangang mangamba, andiyan siya!” Ayos no? Minsan kasi sa isa lang umaasa. Sa isang laban may time-out o break; sama-sama, isang lugar ang tutunguhan, patak-patak para gutom ay mapunan. ‘Yang grupong ito, hindi ko malaman kung anong ugaling meron. Time-ups na para sa break ayaw paring bumalik sa court. Kaya napapagalitan ng coach eh. Sa kanila, balewala ang galit ni Coach. Alam kasi nila ang kanilang ginagawa. Kaya ‘pag nakakuha ng tiyempo, ayon! Kanya-kanyang drama kay Coach. Sa isang team, hindi sa lahat ng oras ay masaya. Dumarating din ang time ng di-pagkakaunawaan. Tampuhang walang mulat, isnabang walang humpay, magkasalubungan ma’y parang wala lang. Pero sa isang samahan, walang gusot ang hindi kayang ayusin. Sa huli, mananaig pa rin ang pagkakaibigan—pagkakaibigang di mawawasak ninuman o ano pa man.

Nandiyan lagi ang barkada sa bawat hamon ng buhay. Sila ang iyong ka-team sa pagsuong sa magulong laro ng buhay.

Advertisements

Permalink Leave a Comment

enjoy pala?!

October 15, 2009 at 1:58 am (Uncategorized)

Nung una talaga ay wala akong hilig sa sports. As in wala talaga. ‘Di kasi ako mahilig lumabas ng bahay gaya pa rin ng dati. ‘Di rin ako masyadong lumalapit sa maraming tao, ‘di ako sanay eh. Ganun naman yata talaga ako weh. Pero sa t’wing nakakapanuod ako ng naglalaro sa t.v o kahit sa mga nadadaanan lang ay natutuwa ako. Galing kasi eh. Daming taong natutuwa at nakikita kong nag-eenjoy sila. Kaya ngayon, t’wing may nag-aaya sa akin na magtry ng sports ay sumasama na ako. Kahit luma o bago bagong sports pa yon basta kasama naman ang mga kaibigan ay tyak na masaya naman. Kahit ‘di ko alam kung paano laruin, go pa rin! Tinuturuan naman nila ko eh. Masaya pala?! Kahit nasasaktan ako minsan, sa tama ng bola o kaya ay nabubunggo ng iba, ok pa rin. Kasama yun sa lao eh. Ayon, naranasan ko rin ang sports. Naalala ko eh, naglaro kami ng maraming sports na noon pa nauso. Isa na roon ang more game, pero alam ko morigin yun eh, basta un! Natatawa ko sa sarili ko, kasi buong laro ay nasa base lang ako. ‘Di manlang ako nakatakbo. ‘Di ko kasi alam kung paano yun weh, eh busy naman sila kakatakbo at kakalaro, ‘di nila ako naturuan masyado, bantay na lang ako. Pero kahit ganun, nasaktan pa rin ako kasi nabunggo ako ni Miko na nabunggo naman ni ate, masakit ah! Ay, nag-enjoy pa rin naman ako kakacheer sa kanila, ang saya! Marami pa eh, iba naman ang nagparticipate. Patintero, luksong-baka, touch ball, luksong-tinik at limbo, un! ako ang sinali nila dun. ang galing lang,kasi napa-panalo ko ang group namin dun. Kala ko ‘di ko na makakaya eh, galing nun kalaban. Pero tie lang naman kami. Nakaka-enjoy talaga ang sports! Luma man o hindi. Sana kayo rin na makaka-basa nito, ay maingganya na maglaro ng sports! enjoy! ;D

Permalink Leave a Comment

BASKETBALL (2ND ENTRY)

October 13, 2009 at 9:33 am (Uncategorized) ()

Sa patuloy na paggulong ng aking buhay, patuloy ang aking pagkahilig sa larong ito. Kaso lang, hindi parin gaanong improve ang aking paglalaro. Noong pumapasok na ko sa Unibersidad ng Bulacan pinili ko ang P.E. ko na larong Basketball, sinabi ko noon sa aking sarili na isa itong oportunidad upang mapaghusayan ko pa ang aking mga taktika at maipakita ang aking katangian sa paglalaro. Malaki ang tiwala ko sa aking sarili na magaling na akong maglaro ng Basketball, subalit yung ang aking pagkakamali dahil madami pa palang mas magaling kaysa sa akin. Ang sobrang taas ng tingin ko sa aking sarili ay ang naging dahilan upang kami ay matalo, inakala ko na sobrang galing ko na at hindi ko pinagpatuloy ang aking mga pagsasanay. Ang aking pagkatalo na iyon ang muling gumising sa aking isipan upang magbalik sa pagsasanay, naisip-isip ko na mapagiiwan pa ako lalo ng aking mga kaeskwela kung hindi ako magbabalik sa pagsasanay. Tuwing papasok ako sa aking Subject na P.E. aking tinatatak sa aking isipan na mas gagalingan ko pa sa susunod at mas pag-iigihan ko pa, walang taktika ako na pinalalampas sa lahat ng tinuturo ng aming Teacher. Sa bawat taktika na kanyang itinuturo mapa Opensa o Depensa man akin itong pinagaaralang mabuti at tinatandaan, ang lahat ng aking mga natututunan sa kanya ay madalas kong ulit-ulitin sa bahay upang mas lalo ko pa itong mapractice. Tuwing may libre akong oras pumupunta ako ng Basketball Court upang magpractice, sinusubukan kong i-improve ang aking shooting at bilis ng galaw ng katawan, kinakailangan ko rin ma-improve ang aking stamina upang tumagal ako sa laro. Sa mga naging experience ko sa paglalaro ng Basketball, paunti-unti kong nadarama na mayroon kaunting improvements na nangyayari sa aking paglalaro. Sa maigsing panahon na ako ay nagaaral ng Basketball, malaki ang nadagdag sa aking mga kaalaman at mga taktika, ito ay malaking pasasalamat sa aking Guro sa P.E. dahil madami din akong natutunan na nagmula sa kanya. Ang mga bagay na aking natutunan sa panahon na akoy nagaaral pa ay, hindi mo dapat husgahan at maliitin ang iyong mga nakakaharap sa paglalaro maliit man ito o ang tingin mo ay walang kakayahan, masusubok at makikita lamang ang kakayahan ng isang manlalaro kung ito ay iyong makakaharap sa laro.

Permalink Comments Off on BASKETBALL (2ND ENTRY)

MY FIRST EXPERIENCE IN PLAYING BASKETBALL

October 13, 2009 at 3:13 am (Uncategorized) ()

first time kong magbasketball.hehe.and it was a great experience. hehe mahilig tlga ko sa basketball hehe kahit di halata. paborito kong manood ng NBA at PBA. Every sunday my fellowship kami sa church na manood ng PBA. khit nung high school pa paborito ko ng manood ng basketball. nakakarelax kc yun. pero yung mismong ako yung maglalaro.haay…. di tlga. i know i can’t do it. and i have to admit na takot tlga ko sa mismong laro. plgay ko kc matatalo lang yung team na sasamahan ko plus the fact na di nga ko marunong ng basics ng basketbol like dribbling or pag-shoot. i know the mecahnics kc nag-sports editor ajo dati. para sa kin mas masayang manood. but my perspective were changed.

nung niyaya ako nung pastor namin na mag-basketball nung last last sunday, i was excited, but to be honest, takot din.hehe.magagaling kc yung mga teammates ko sa church,ate ko sa basketball. mga “sure ball” i should say. but i TAKE the RISK. so i played. with my jersey, i step in the court. nung una taluhan lang kc wala pa yung iba kong churchmate.practice game jung baga.haha.natakot tlga ko sa unang pagtapak sa court.iba pla yung nanonood ka lang sa mismong ikaw na yung nasa court at naglalaro. but i sais this is the game. gusto kong matuto. nung practice game, half-court lang and the first i had the ball, na-traveling agad ako.hehe. pero ayos lang tuloy pa rin yung laban.

and my churchmates came at totoong game na.hehe.whole court and i was the forst in line sa team namin. i played the first half. sa depensa ako ng team. and it was fulfilling to run and run and defend your team. nakakatuwang experience ‘to at uulitin ko pa.hehehe.

but through this experience, i was reminded of certain truths. una, parte ng pagiging girl ay yung pag-admit ng weakness mo and acknowledging that ONLY by GOD’s strength you can do things. secondly, taking RISK. to be brave to take risk. as the LORd gave me in my latest Spiritual Retreat: 1 Cor.16:13 Be men of courage. Stand firm. hindi ka mananalo hangga’t di ka lumalaban. It is the LORD’s strength that will keep you. at katulad ng sa basketball, you need to be focused in the ball/game. di dapat nagpapa-apekto sa anumang laki ng kalaban. di din importante ang manalo kundi yung pag-take mo ng risk. I hold GOD’s Word in my heart to be a woman of courage. pinapa take risk tlga ko ni LORD sa ilang parte ng buhay ko and i’m ready to OBEY HIM! It is BY FAITH and ONLY BY GOD’s GRACE i would be OBEDIENT to HIM. praise GOD for this night!

P.S. naka-4 points pla ko sa game last week at isang foul.hehehe

Permalink Leave a Comment

OLD SPORTS AT FUTURE

October 10, 2009 at 10:43 am (Uncategorized) ()

AKO NUNG AKING KABATAAN, MAHILG AKONG MAKIPAGLARO SA AKING MGA KAIBIGAN. GINAGABI NA NG UWI KAKALARO SA LABAS NG BAHAY. GANOON LANG ANG BUHAY KO NUNG BATA AKO, LARO, KAIN, TULOG AT LARO ULET. GANYAN ANG BATA, ANG BATANG PINOY NOON. NGAYON, ANO NAPAPANSIN NATIN SA KANILA NGAYON? PURO TECHNO-GAMES ANG NILALARO NILA. ALAM PA BA NILA ANG MGA LARO NATIN NOON? DOTA, EASPORT, Y8, AT MARAMI PANG IBANG NET SITE NA KANILANG NILALARO. PANU NA NATIN MAPAPANATILI ANG MGA NATIVE PINOY SPORTS AND GAMES SA FUTURE? MY MAGSASALBA PA BA NITO? PAGMASDAN ANG LARAWAN SA IBABA.
images
ANO ANG NAPANSIN SA LARAWAN? DIBA ANG LARON IYAN AY LUMANG PAGLALARO NG TENNIS SA NYABE NA GAWI NG NILALARO NG MGA TAGA EUROPA.
SA INYONG PALAGAY AABOT PA BA SA KINABUKASAN ANG PANGANGALAGA SA MGA LARONG ITO? TINGNAN NAMAN NATIN ANG PANGALAWANG LARAWAN SA IBABA.
0,,5837242,00
SA LARAWANG ITO NAMAN MAPAPANSIN ANG MGA SURFER NA NAGSUSURF…..SAAN? SA GITNA NG SYUDAD?! ALAM NAMAN NATIN NA WALANG DAGAT SA SYUDAD NA PWEDENG MAGBIGAY NG ALON NA MALALAKI UPANG MAGSURF. IYAN ANG NAGAGAWA NG TEKNOLOHIYA. SA AKING PAGHAHANAP SA NET, ISA LANG YAN SA MGA LARO NA KANILANG ILULUNSAD BILANG MGA BAGONG LARO PARA SA HINAHARAP.MARAMI PA AKONG MGA LARO NA NAPANSIN NA BALAK NILANG GAWIN AT IIMBENTO UPANG MAGAMIT SA FUTURE. PERO PAANO NAMAN ANG MGA LARO NOON? PAANO NILA MAPEPRESERVE KUNG KAHIT ISA’Y WALA NG NAGLALARO? BIGYAN NAMAN NAITN NG HALAGA ANG MGA LARO NA SA ATI’Y IPINAMANA NG ATING MGA NINUNO. ATIN ITONG ITURO SA MGA KABATAAN SA SUSUNOD NA HENERASYON SA MGA SUSUNOD PA. WAG SAYANGIN ANG PAMANA SA ATIN DAHIL ANG NAKAAN AY NAKARAAN AT ANG BUKAS AY NAGHIHINTAY SA ATIN. NGAYON AY PAG-ISIPAN KUNG DAPAT BANG PANGALAGAAN ANG INIWAN O TANGGAPIN ALOK MULA SA KINABUKASAN? MULI NOY PONG NATUNGHAYAN ANG AKING PANGALAWANG BLOG NA TUMATALAKAY SA MGA LARO NOON NA KAYA PA BANG IPRESERBA SA HINAHARAP. IKAW, SA SRILI MO, KAYA MO BA PANGLAGAAN ANG OLD SPORTS O SASABAY KA NALANG SA BAGONG HENERASYON NG LARO AT SALUBUNGIN ANG NAGHIHINTAY NA LARO SA KINABUKASAN…..

Permalink Leave a Comment