sports natin.

September 11, 2009 at 9:49 am (Uncategorized) ()

Dahil sa malalakas ang pangangatawan ng mga Pilipino, halos karamihan ay talaga namang mahilig sa sports. Kahit ano pang sports yan, siguradong nangunguna ang mga Pilipino. Bukod kasi sa nakakapagpalakas ito ng resistensya, ay nakakapagpagands rin ito ng katawan na gustong-gusto naman ng nakakarami sa atin. Ito na rin ang nagsisilbing labangan ng mga pinoy. Masaya ang sports. Nakaka-enjoy ang sports. Nakakalungkot at nakaka-inggit nga lang dahil hindi ako sanay sa kahit anong sports. Ewan ko rin kung bakit. Hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay at madali akong mapagod. Naiinggit ako sa mga bata sa amin kapag nakikita ko silang naglalaro. Tuwang-tuwa kasi sila sa bawat pagtakbo at pagtalon nila. Lalo na’t sabay-sabay pa silang nagtatawanan. Madalas na makita kong nilalaro nila dati ay ang piko at sipa. Sa tingin pa lang ay mukhang nakakatuwa na talaga ito, pero sa twing sasali ako ay palagi na lang akong taya dahil hindi ko alam kung paano. At palagi rin akong nauunang umayaw dahil pagod agad. Pero ngayon kasi madalang ko na makita ang mga larong pinoy na sariling atin. Puro na kasi text, jolens, pogs at kung anu-ano pa. Lalo na’t may kapatid pa akong mas bata sa akin, palagi nyang kalaro ang iba naming mga pinsan at kapit-bahay, madalang ko sila makitang naglalaro ng mga larong pangpinoy. Kahit sa ibang lugar man ay parang naisantabi na ang larong hilig ng mga pinoy noon. Dahil na rin kasi mas nahilig na ang mga kabataan sa mga computer games, mas nahilig na sila roon kaysa sa laro natin. Sana naman ay makalimutan ng bawat isa sa atin ang sports na sariling atin. Bigyan din natin ito ng importansya kahit na marami nang mga bagong sports na nauuso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: