BASKET BALL

September 11, 2009 at 9:48 am (Uncategorized) ()

Basketball! Marami ang nahuhumaling sa larong ito, mapa NBA, PBA, TV, liga, pambayan na Gym at kahit sa kalye basta may ring at bola. Ang sport na ito na yata ang pinakasikat sa lahat ng Sports na aking nalalaman, at itong basketball din ang paborito ko sa lhat ng klase ng sports. Madali lang maglaro at matuto ng larong ito, pagpupursige at tamang disiplina lamang sa sarili ang kailangan. Sa aking karanasan sa paglalaro, binibigay ko lahat ng aking makakaya upang manalo. Hindi nasusukat ang galing ng isang manlalaro ng basketball sa kanyang laki at lakas, ito ay kung papaano magtulungan ang buong kupunan at kakayahan na makapagisip ng paraan. Masusubok ang galing ng isang manlalaro kung papaano sya magisip at kung gaano siya kagaling dumiskarte sa paglalaro, at kung papaano niya madadala ang kupunan sa tagumpay. Tuwing Linggo ng umaga ay kasama ko ang mga kabarkada ko upang maglaro ng basketball sa gym sa aming bayan, may mga nakakalaro kami na masmahusay pa kaysa sa amin. Minsan talaga ay hindi maiiwasan ang pagkatalo, pero hindi ito dahilan upang panghinaan ako ng loob at sumuko nalang. Sabi nga sa isang commercial ng Nike ni Wade  ” Fall 7 times, Rise Up 8″ Heheh tama nga naman siya, dapat ay hindi tayo madaling sumuko. Kaya’t patuloy parin ang aking pageensayo upang mapagyaman pa ang aking kakayahan sa paglalaro ng basketball, hindi ko inaalis sa isipan ko ang paglalaro ng basketball dahil ito talaga ang hilig ko. Madalas ko ring hinihiling sa Diyos nung bata ako na sana ay madagdagan pa ang aking height, dahil isa rin sa mga pangarap ko ang makapagDUNK ng bola sa ring. Sobra ang inggit ko sa mga tao na may kakayahan na makapagDUNK ng bola sa ring. Nahumaling din ako sa palabas na cartoon sa TV na “Slam Dunk” halos araw-araw ko itong sinusubaybayan, dumating yung time na nainip ako sa paghihintay kaya’t bumili nalang ako ng DVD ng cartoon series nito. Sinundan din ito ng BUZZER BEATER kaya’t may DVD nadin ako ng cartoon na ito, “AHAHA :p” ganyan ako ka adik sa sport na basketball. Hindi maitatago sa aking sarili ang kahiligan sa basketball, dahil sa tuwing makakahawak ako ng bola ay hindi ko mapigilan na magshoot kahit sa pader ng aming bahay na wala namang ring. Madalas akong kagalitan ng aking Ina dahil naiistorbo ko ang kanyang mga gawain, may time din na nabasag ko yung isang baso ng tamaan ng bola habang ako ay nagdidribble sa loob ng bahay. Haha, ayos ang kulet ko! Dalawa din sa aking mga kapatid ang mahilig maglaro ng Basketball, kasama ko silang naglalaro tuwing araw ng linggo sa aming gym. Noong bata ako, yung nakatatanda kong kapatid ay madalas makuha sa liga ng aming bayan, palagi akong nakasubaybay sa tuwing sila ay may laban. Sobrang kasiyahan at excitement ang aking nadarama kapag nakakapanuod ng naglalaro ng basketball, lalo na siguro pagkasama na ako sa laro, Haha. Kaya ikaw magpractice ka naring magbasketball, at maglaro tayo kung minsan. Ayos, Hahaha!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: