“LARONG PINOY:NATIVE AND TODAY”

September 12, 2009 at 1:13 am (Uncategorized) ()

BUHAY PA……. BA ANG LARONG PINOY NGAYON?
O SADYANG KINUPASAN NA NG PANAHON?
MY LARO TAYO NGAYON, DI MAGLALARO KUNDI ANG TINUTUKOY KO ANG LARO SA MODERNONG PANAHON.

patintero

PAGMASDAN ANG NASA LARAWAN, MAPAPANSIN ANG KASIYAHAN SA MGA BATA HABANG NILALARO NILA ANG “PATINTERO”. ANG MGA BATANG PILIPINO AY MASAYANG MAGLARO. ITO AY HALATA NAMAN SA LARONG KANILANG GINAGAWA. MARIRINIG MO SA KANILA ANG MGA HALAKHAK NG SAYA SA KANILANG NILALARO. ANG IBANG LARO AY MAY PARUSA SA NATALONG KALAHOK. ANG ILAN PA SA MGA LARO NG MGA BATANG PINOY AY “SIRAIN ANG TANIKALA”, “KALABIT BOLA”, AT IBA PA. NGAYON, ANG BATANG PINOY AY MAY LARO NA KUNG SAAN AY GINAGAWA NILA SA KALYE. ITO AY ANG “HULAAN”, “SUOT LUNGGA”, “IT IT BULAGA”, “PITIK BULAG”, “JACK EN POY”, “SIKLOT”, “RUBBERBAND GAME”, “BUNONG BRASO”, “TAGUAN”, “TAKIPSILIM”, “LUKSONG TINIK”, “LUKSONG BAKA”, TUMBANG PRESO” AT IBA PA. MAYROON DIN TAYONG LARO NA TANGING SA PINAS LANG MATATAGPUAN, ITO ANG “AGAWANG SULOK”, “BULONG PARI”, “PALOSEBO”, “PIKO”, “PRESOHAN”, “TAWANAN”, “VIOLA” AT IBA PA.
ANG PINOY NGA NAMAN AY SADYANG MALIKHAIN SA PAGLALARO.
SANAY ANG MGA LARONG ITO AY MAMULATAN PA NG MGA SUSUNOD NA HENERASYON.
BIGYANG HALAGA ANG LARONG PINOY NOON MAN AT NGAYON.
SA PAGDATING NG BUKAS ANG LARONG PINOY AY TATAK NANG ISANG PILIPINO MAGING ANG ISANG BATANG PILIPINO.

NARANASAN KO RIN ANG ILAN SA MGA LARONG ITO, MASAYA SIYA, SA KATUNAYAN NGA AY PAG MAY NAGLALARO SA TAPAT NG AMING BAHAY AY AKIN SILANG PANAGMAMASDAN. NAAALALA KO KASI ANG MGA ARAW NA NAGLALARO AKO NOON. MASAYA, KASAMA NG AKING MGA KALARO. MINSAN NGA NAGKAKAINISAN PA KUNG SINO ANG TAYA. AKO NAMAN, SYANG TANGGI UPANG DI MAGING TAYA. MINSAN, MAY MGA ALRO NA MASARAP MAGTAYA, DUN AKO NAGPAPATAYA. NOONG AKO AY NASA ELEMENTARYA PA AY HABANG KAMI AY NASA ENTABLADO NG PAARALAN, MAY NAISIP KAMING LARO NA DOON LANG NAMIN GINAGAWA . TINAWAG NAMIN SIYA NA “PATING PATINGAN”. TUWING UWIAN GALING SA KLASE, PUMUPUNTA KAMI NG MGA KAKLASE KO SA ENTABLADO NG PAARALAN AT DOO’Y NAGTITIPON PARA MAGLARO. SYEMPRE MAIBA TAYA. KAILANGAN LANG NAMAN AY MA-TOUCH ANG KATAWAN O SUOT NG KALAHOK HABANG NASA MAHABANG UPUAN NA BATO AT UMIIWAS SA KAMAY NG TAYA. ANG TAYA NAMAN AY KAILANGANG DUKNAWIN ANG MGA KALAHOK SA UPUANG MAHABA NA MAY LAYO NA ISANG METRO MULA SA UPUAN. ANG SAYA NAMIN NOON MAGLARO, SANA’Y MAALALA PA IYON NG MGA NAGING KAKLASE KO NOON. SANA AY MAGING TATAK IYON NG PAGIGING MAGKAKLASE NAMIN. SA PAGDATING NG PANAHON AY SANA MAY MASULYAPAN AKO NA NAGLALARO NITO SA PAARALAN NA AKING PINANGGALINGAN. NGAYON, ISA NA AKONG TEENAGER, DAPAT AY NAAYON NA SA AKIN ANG MGA NILALARO KO.

ANG NAHIHILIG AKONG LARUIN NGAYON AY “BADMINTON”. DAHIL GUSTO KONG TULARAN SI “KENNEVIC ASUNCION”. ISANG MAGALING NA MANLALARO NG “RP”, SIYA AY MARAMI NG NAUWING KARANGALAN SA PINAS. ANG GALING TALAGA NIYA, GRABE. ANG BADMINTON AY ISANG INDOOR GAME NA KUNG SAAN AY NILALARO NG TWO OPPOSING PLAYERS AT TWO OPPOSING PAIRS. KAILANGAN LANG AY MAITAWID ANG SHUTTLECOCK SA KABILANG COURT NG BADMINTON , KAILANGANG ITAWID SA NET UPANG MAGKAPUNTOS. DIBA, ANG BADMINTON AY SADYANG ISANG INTERESADONG LARO. SUBUKAN NINYONG MAGLARO NITO, ENJOY KAYO. ISA LANG IYAN NA KILALANG LARO SA MODERNONG PANAHON. ANG ILANG PA DIYAN AY ANG “BASKETBALL”, “VOLLEYBALL”, “SOCCER”, “TENNIS”, “FOOTBALL”, “BASEBALL”, AT MARAMI PANG IBA. ALAM NAMAN NATIN NA ANG MGA LARONG ITO AY DI NAMAN TALAGA DITO SA PILIPINAS NAGSIMULA, ANG MGA LARONG ITO AY MULA SA MGA DAYUHAN NA KUNG SAAN AY PAMANA NA RIN SA ATIN. GANYAN TAYONG MGA PINOY, KAHIT SA MGA LARO, GAME PALAGI TAYO. ANO KAYA ANG MGA BAGONG LARO SA KINABUKASAN? MAYROON DIN TAYONG TECHNOLOGICAL GAMES NA KUNG SAAN AY SA TULONG NG AGHAM AY MAYROON NG MGA LARO NA DI NA NAGPAPAGOD, NAKAUPO, AT NANAHIMIK SA PAGLALARO. TULAD NALANG NG “COMPUTER GAMINGS”, “GAMEBOY”, “PSP”, AT IBA PA NA LUMALAYO NA SA MGA PAMPALAKASANG LARO NA KINAKAILANGAN NG ATING KATAWAN. DAHIL SA MGA ITO MAARI PANG MASIRA ANG ATING MGA MATA KAKALARO NITO MAGHAPON MAGDAMAG. SUBUKAN NAMAN NATING IBALIK ANG MGA LARO NA KAYANG MAGPALAKAS, MAGPASAYA, AT MAGPAPATATAG SA ATING KATAWAN. BIGYANG HALAGA NATIN ANG MGA LARO NA ATIN AY MAYROONG MAGANDANG IDUDULOT. SA PAGLIPAS NG PANAHON, BIGYANG IMPORTANSYA ANG LARO NG MGA PILIPINO KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS. IYAN ANG AKING BLOG ENTRY ABOUT SA MGA LARO NG MGA PINOY. HANGGANG DITO NALANG PO ANG AKING BLOG, DAHIL WALA NA PO AKONG MAIDAGDAG.

MORE COMMENTS FOR MY BLOG, I HOPE. TANDAAN LAGI: TAYONG MGA PINOY, KAHIT SAANG LARO MASAYA PARIN TAYO, MANALO MAN O MATALO, MASAYA PARIN TAYO, DAHIL ANG MAHALAGA AY NAG-ENJOY TAYO.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: